1.Makapagtapos ng Pagaaral.

Lahat naman ay gustong makatapos. Gusto kong makatapos para magkaroon ng maayos na trabaho at para makatulong ako sa aking mga magulang. PRAKTIKAL!

2. Gumaling gumuhit.

Marunong akong gumuhit ngunit hindi ako magaling, kaya gusto kong hasain para magamit sa aking posibleng kuning kurso na arkitektura. Pasmado ako kaya ako tumigil ako dati sa pagguguhit.

3. Maging magluluto.(Chef)

Dahil sa hilig kong kumain at magluto, mahilig akong magimbento ng mga lutuin. Kaya gusto kong maging propesyon ito para masaya at MASARAP!

4. Magkaroon ng sariling bahay at kotse

Gusto kong magkaroon ng bahay dahil mahirap ang walang bahay dahil naranasan namin dati ang magrenta lang. Gusto kong magkaroon ng kotse para makapunta ako sa mga gusto kong puntahan ng mas mabilis.

5. Magkaroon ng malaking koleksyon ng sapatos.

Sobrang hilig ko sa sapato. Ngayon palang ay sinisimulan ko ng mangolekta ng sapapatos. Pero meron palang akong 25 na pares ng sapatos. Skl

6. Magkaroon ng maraming aso.

Mahilig ako sa aso kaya gusto kong magkaroon ng maraming aso, lalo na ang malalaking lahi ng aso. Sa ngayon meron akong isang aso ang pangalan niya ay Whisky. Skl ulit.

7. Maglakbay sa buong mundo.

Gusto kong mapuntahan ang lahat ng lugar sa pilipinas. Gusto ko ring makapunta sa bawat bansa sa buong mundo. Gusto kong maging si Dora.

8. Maging propesyonal na basketbolero.

Hilig ko ang maglaro ng basketball kaya gusto kong gawing propesyon ang bagay na aking hilig gawin.

9. Magkaroon ng masaya at kompletong pamilya.

Gusto kong magkaroon ng kompletong pamilya dahil gusto kong maranasan ang magkaroon ng masaya at kompletong pamilya at ayokong maranasan ng aking magiging asawa at pamilya ang magkaroon ng sirang pamilya.

10. Makumpleto ang listahan.

Gusto kong matupad ang lahat ng ito.

11. Harapin ang aking takot.

Gusto kong harapin ang aking takot na 10 billion pesos. Joke gusto ko lang yumaman.

12. Maging isang CHEMIST.

Gusto kong maging chemist para masagutan kona ang lahat ng tanong sa chemistry at makagawa ng bagong solution.

